-- Advertisements --

Pinalalatag na ni House Committee on Metro Manila Development vice chairman Precious Hipolito-Castelo ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng traffic plan para sa Pasko.

Dahil inaasahan na magiging mas mabigat pa ang problema sa trapiko ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, dapat na tukuyin na ng MMDA ang mga bagong ruta at daanan na magsisilbong alternatibong ruta.

Dapat na alisin na rin aniya ng MMDA ang mga nakaharang sa mga alternatibong ruta upang sa gayon matiyak na magiging maayos ang daloy ng trapiko.

Kasabay nito ay pinayuhan din ni Castelo ang MMDA na mag-install ng traffic signs at pingagsasagawa na rin ng information campaign patungkol dito.