-- Advertisements --

Inabisuhan na ang 10 mga teams na bibida sa traditional Christmas NBA games ang posibilidad na biglaang pagbabago ng schedules dahil pa rin sa mga pangamba sa COVID-19 outbreaks.

Ang hakbang ng NBA ay kasunod na rin nang pagka-postpone ng pitong mga games nitong nakalipas na araw matapos na umabot na sa mahigit 75 mga players at staff ang tinamaan ng virus habang ang iba naman ay isinailalim sa quarantine.

Nitong araw meron pang nadagdag na ilang top NBA players na napasama na rin sa health protocols na kinabibilangan nina Toronto Raptors Fred VanVleet, Atlanta players Danilo Gallinari at Clint Capela para sumama na rin sa Hawks star na si Trae Young na nauna nang nasa isolation.

Samantala, narito ang schedule ng banggaan ng mga popolar at powerhouse teams sa December 25:

Boston vs Milwaukee
Golden State vs Phoenix
Brooklyn vs Los Angeles Lakers
Atlanta Hawks vs New York