-- Advertisements --

Biyaheng San Francisco, California na si 12-time all star Chris Paul, matapos siyang I-trade ng Washington Wizards.

Unang nakuha ng Wizards si Paul nitong araw ng Lunes mula sa Phoenix Suns kapalit ni Bradley Beal, ngunit agad ding binitawan ng koponan ang batikang point guard, makalipas ang ilang araw.

Kapalit ni Paul ay ang rising star guard ng Golden State Warriors na si Jordan Poole, kasama ang rookie na si Ryan Rollins at dalawang future draft picks.

Si Paul ay isa sa mga batikang all-around player ng NBA na nakapaglaro na sa loob ng 18 season kung saan may career average na 17.9 point, 9.5assist , at 4.5 rebounds.

Sa loob ng mahabang karera, naging bahagi na si Paul ng ibat ibang team na kinabibilangan ng New Orleans, Los Angeles Clippers, Houston, Oklahoma City Thunder at SUNS sa nakalipas na tatlong taon.

Makakasama naman ni Chris Paul sa Warriors ang big-three ng koponan na naging bahagi ng apat na championship: Stephen Curry, Klay Thompson, at Draymond Green.