-- Advertisements --

Nagkakaisa ang maraming celebrities sa Hollywood sa pagbatikos kay US President Donald Trump kaugnay sa naging pahayag nito na huwag daw matakot sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Isa sa mga umalma ang “Cry” hitmaker at “A Walk to Remember” star na si Mandy Moore, kung saan isinama pa nito ang hashtag patungkol sa paghikayat na huwag iboto si Trump sa US presidential elections sa susunod na buwan.

Maging ang “Captain America” actor na si Chris Evans ay kinwestyon ang pagkakaroon ni Trump ng “round-the-clock care” mula sa best doctors sa Amerika, pero hindi lahat ay mayroong access sa ganoong klase ng “VIP” treatment.

Isinumbat naman ng 78-year-old veteran singer na si Barbara Streisand sa 74-year-old president ang mahigit 200,000 American people nang namatay dahil sa COVID kaya sana ay maging sensitive ito lalo sa mga batang maagang naulila sa magulang.

Una rito, binanggit ni Trump ang kanyang kontrobersyal na pahayag ay bago ito makalabas ng ospital matapos magpositibo sa deadly virus.

“I will be leaving the great Walter Reed Medical Center today at 6:30 P.M. Feeling really good! cDon’t let it dominate your life. We have developed, under the Trump Administration, some really great drugs & knowledge. I feel better than I did 20 years ago!” ani Trump. (OMG)