-- Advertisements --

Nais imbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang panibagong insidente ng hazing na naganap sa Quezon City.

Pagtitiyak ng CHR na mabibigyan ng hustisya ang menor-de-edad na tinakbo sa pagamutan matapos hindi makayanan ang mga sakit na natamo dahil sa hazing.

Base sa imbestigasyon ng Quezon City Police District na nahimatay ang biktima dahil sa hindi nito nakayanan ang sakit mula sa hazing.

Lumipat umano sa grupong Magic 5 ang biktima mula sa kaniyang dating grupo na Scout Royale Brotherhood Nu-Theta Chapter Fraternity.

Dahil sa nagalit ang kaniyang dating mga kasamahan ay pinarusahan siya kung saan dinala siya sa Barangay Pagasa at inilipat sa isang shop sa Road kung saan doon ginawa ang hazing.

Naaresto ng mga kapulisan ang isang suspek hahbang patuloy na hinahanap ang iba pang suspek.