-- Advertisements --

Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na dapat i-recalibrate ng bagong administrasyon sa ilalim ng presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang war on drugs.

Ang CHR nitong linggo ay naglabas ng ulat na nabigo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang mga karapatan ng mga biktima ng kanyang anti-narcotics crackdown at hinikayat ang isang “culture of impunity.”

Ayon kay Commissioner Gwen Pimentel-Gana kailangan din na ipagpatuloy ng gobyerno ang pag-imbestiga ng drug-related deaths.

Hinimok din ng opisyal ang pulisya na gawing ligtas ang mga witness para makaharap sila.

Magugunitang base sa 48-page report, nalaman ng CHR na sadya umanong pinatay ng mga pulis ang mga suspek at gumamit pa sila ng “excessive force” sa drug operations.