-- Advertisements --

Pinapaalalahanan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga mambabatas na patuloy na isaalang-alang ang vulnerable at marginalized communities at sectors sa pagbabalangkas at pag-apruba ng mga batas.

Ginawa ito ng CHR kasunod nang pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa panukalang batas na naglalayong palakasin ang anti-human trafficking laws, magbibigay ng karagdagang benefits sa mga healthcare workers, at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga foundlings.

Ayon sa CHR, mayroon nang pagbabago sa ngayon sa human trafficking dulot ng internet at ng iba pang digital platforms kaya marapat lamang ding magkaroon din nang pagbabago sa mga polisiya laban dito.

Ikinatutuwa rin ng CHR ang naging desisyon ng Senado na maaprubahan ang proposed Foundling Recognition and Protection Act, na naglalayong ma-establish ang karapatan ng isang bata na iniwan ng magulang pagdating sa government programs at services, tulad nang registration, facilitation ng mga adoption papers, education, protection, nourishment, care at iba pa.