-- Advertisements --

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na dapat magkaroon ng makatarungan at makataong pagdidisiplina para sa mga quarantine violators.

Ito ay matapos ang ginawang pag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga hindi tamang nagsusuot at walang face mask.

Sinabi naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na kasama nila ang Department of Interior and Local Government ay binabalangkas na nila ang ilang mga panuntunan.

Ayon naman kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia na dahil sa kautusan ng pangulo ay maaaring ito ay abusihin na rin ng mga otoridad.

Hiniling na lamang nito na dapat magkaroon na lamang mga malawakang pagsasagawa ng information drive para wala ng lumabag sa mga health protocols.