-- Advertisements --

Nakatakdang ilunsad ng Commission on Human Rights ang isang online platform na tatawaging “Alisto! Alert Mechanism” kung saan maaaring ireklamo ng mga mamamahayag at peryodista ang mga pag-atake, pagbabanta, at iba pang human rights violations na kanilang nararanasan.

Sa isang pahayag, sinabi ng komisyon na ito ang kontribusyon nila sa selebrasyon ng National Press Week. Kanila umanong kinikilala ang mahalagang papel ng media workers para mapanatiling buhay ang demokrasya ng Pilipinas gayundin ang katotohanan at hustisya ng bansa. 

Dagdag pa ng CHR, sila ay nakikiisa sa sentimyento ng mga Pilipinong mamamahayag na ang pag-atake sa kanilang trabaho ay matagal ng hindi natutugunan sa bansa. 

Kaya naman mas gagawa umano ang komisyon ng mga programa para mapaunlad ang media welfare sa bansa.