-- Advertisements --

Todo ngayon ang panawagan ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na bigyang pansin ang kondisyon ng mga persons deprived of liberty, persons deprived of liberty (PDLs) para mabigyan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Dapat umano ay kasali na rin ang mga personnel na nagtatrabaho sa mga piitan at iba pang detention facilities.

Sa isang statement, iginiit ni Atty. Jacqueline de Guia, CHR spokesperson ang obligasyon ng pamahalaan para magamot ang mga PDLs na kabilang daw sa kanilang karapatan sa kalusugan.

Habang nagpapatuloy naman daw ang vaccination program ng gobyerno, naghihintay pa rin ang mga inmates na maisali sa priority list.

Sa ngayon nasa 474 na inmates pa lamang sa Bureau of Corrections (BuCor) ang nabakunahan mula sa 48,000 na populasyon nito.

Nasa 200 PDLs naman ang nabakunahan sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City; 214 sa San Ramon Prison and Penal Farm Sa Zamboanga City at 60 sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte.

Kung maalala, base sa report ng Bureau of Jail Management of Penology (BJMP) nasa 450 percent ang congestion rate ng mga piitan sa bansa noong 2019.