Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pag-aralan ang mandato nito kasunod ng rekomendasyon ni UN Special Rapporteur for Freedom of Opinion and Expression Irene Khan na buwagin ang naturang task force.
Bagamat kinikilala naman aniya ng Komisyon ang rekomendasyon ni Khan kaugnay sa mandato ng Task force.
Hinikayat din ng CHR ang NTF-ELCAC na iassess kung paano matutugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng ating bansa.
Sinabi ng komisyon na handa silang maglatag ng mga policy advisories at mag-alok ng angkop na pagsasanay na akma sa pagtataguyod ng mandato ng task force para maging equip pa ito sa pagtupad ng tungkulin nito sa pamamagitan ng human rights-based approach.
Kaugnay nito, ngayong taon, target ng CHR na magsagawa ng inquiry sa red-tagging para magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng pamahalaan at civil society sa banta dulot ng mga aksiyon sa buhay, kalayaan at seguridad ng publiko.
Matatandaan, inirekomenda ni Khan ang pagbuwag ng task force dahil outdated na aniya ito at hindi umano nito isinasaalang-alang ang nagpapatuloy na minimithing peace negotiations.