Emosyunal na inanunsiyo ni Chot Reyes ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto bilang heade coach ng Philippine men’s basketball team na Gilas Pilipinas matapos ang panalo kontra China, 96-75 kagabi sa Araneta Coliseum.
“Like I said in the last game, I take full accountability, and becaue of that I think it is time for me to step aside,” pahayag ni Reyes.
Aniya, kinonsulta niya muna ang kaniyang pamilya hinggil sa kaniyang pagbaba bilang head coach.
Aminado si Reyes na siya nasasaktan sa mga masasakit na mensahe na ipinupukol sa kaniya sa social media na nakaapekto rin sa kanyang pamilya.
Kasunod ito ng 1- win, 4 loss na record ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.
Sa ngayon hinihintay nalang aniya ang desisyon ng Samahang Basketball ng Pilipinas matapos ang kanyang pagbibitiw bilang head coach.