CAUAYAN CITY- Naka-full alert ngayon ang Santiago City Health Office matapos makapag-tala ang naturang tanggapan ng 51 case ng COVID-19.
Sa kasalukuyan ay mayroong 14 na pasyente ang nasa SIMC at LGU facility, 12 ang naka-confine ngayon sa mga ospital, at 24 ang naka-home quarantine.
Sa kabuuan ay nakapagtala na ang CHO ng 136 COVID-19 cases sa buong buwan ng Hulyo.
Nakahanda naman ang mga isolation facilty ng CHO kung sakaling kailanganin ito ng Santiago City.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawa nilang monitoring at information drive upang hindi na madagdagan ang kaso ng mga pasyenteng tinatamaam ng virus.
Isa pa ngayon sa binabantayan ng CHO ay ang monkeypox virus matapos ianunsyo ng Department of Health na nakapasok na ito sa bansa.
Sinisiguro nila na kumpleto ang mga gagamiting supply tulad ng higaan at mga PPE kung sakali mang makapasok ang monkeypox virus sa lungsod.
May inilaan din na isolation room na pwedeng gamitin para sa mga posibleng tamaan ng monkeypox virus.
Ibayong pag-iingat pa din ang payo ng CHO upang hindi na muling kumalat ang mga virus sa Santiago City.