-- Advertisements --

Nananawagan ang Malacañang ng pang-unawa sa harap ng kinukuwestiyong partisipasyon ng Chinese nationals sa ilang infrastructure projects sa bansa.

Magugunitang lumutang ang isyu sa budget hearing sa Senado kung saan nabanggit na 31 porsyento ng mga manggagawa sa Estrella-Pantaleon Bridge ay Chinese habang 69 porsyento ay mga Pilipino habang sa Binondo-Intramuros Bridge naman ay 55 poryento ang mga Pilipino at 45 porsyento rito ang Chinese workers.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 100 percent donation ang dalawang ginagawang tulay mula sa Chinese government kaya hindi naman marahil masama na bigyan sila ng flexibility sa mga manggagawang kanilang kinuha.

Ayon kay Sec. Roque, kung ang proyekto ay galing sa buwis ng mga Pilipino, tiyak na igigiit ng pamahalaan na mga Filipino workers lang ang kuning mga manggagawa.

Maaaring kunin lamang umano ang serbisyo ng mga dayuhang managgawa
kung kukulangin ang mga Pinoy na gagawa sa isang proyekto.

“Well, let me highlight that these bridges are 100% donations from the Chinese government. So, I think that should give us the proper perspective. It’s being given to us 100%, we don’t pay back anything for the building of these bridges and that is why we need to give them some flexibility in the personnel that they have hire. Had this been a project that we would pay for using taxpayers’ money, of course government would insist that aside from highly technical positions, that Philippine labors should be employed,” ani Sec. Roque.