Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang Chinese warship ang nag-lock ng fire control radar sa BRP Miguel Malvar (FFG6) habang nagsasagawa ito ng patrol malapit sa Sabina Shoal noong Marso 7.
Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, delikado at “provocative” ang naturang aksyon dahil maaari itong magdulot ng hindi pagkakaunawaan at tensyon sa karagatan. Agad namang nag-radio challenge ang barko ng Pilipinas, na sinunod ng Chinese vessel matapos nitong iurong ang radar.
Matatagpuan ang Sabina Shoal sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na patuloy na pinagtatalunan ng Pilipinas at China.
Sa kabila nito, tiniyak ng AFP na magpapatuloy ang kanilang mga patrol upang ipagtanggol ang soberanya at karapatan ng bansa, kasabay ng panawagan sa mapayapa at rules-based na resolusyon ng sigalot. (report by Bombo Jai)















