-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Saudi Arabia si Chinese President Xi Jinping sa darating ng Disyembre 8.
Ang pagdalaw ni Xi sa Riyadh ay kabilang sa sa China-Arab summit at China-GCC conference.
Nasa 14 na Arab head of state ang inaasahang dadalo sa China-Arab Summit na itinuturing na isa itong mahalagang pagpapatibay ng relasyon ng Arab-Chinese relations.
Ang nasabing pagdalaw ni Xi sa Saudi ay kasunod na mataas na tensiyon sa pagitan ng US at Saudi Arabia.
Nitong Oktubre kasi ay nagkaraoon ng mainitang pagtatalo ukol sa oil production kung saan binawasan ng Saudi-led oil cartel na OPEC ng dalawang milyong bareles kada araw para mapanatili ang presyo nito.