Kinumpirma ng Foreign Ministry ng China ang nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Russia sa susunod na linggo mula Marso 20 hanggang 22.
Ginawa ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying ang naturang anunsiyo kasunod ng imbitasyon ni Russian President Vladimir Putin kay Xi para sa isang state visit sa Russia.
Ito ang magiging kauna-unahang pagbisita ni Xi sa Russia simula ng lusubin ng Russian forces ang Ukraine noong Pebrero 24 ng nakalipas na taon.
Inaasahang tatalakayin sa pagbisita ni Xi sa Russia ang mga isyu kaugnay sa development at comprehensive partnership relations at strategic cooperation sa pagitan ng Russia at China.
Ilang mahahahalagang bilateral documents din ang inaasahang lalagdaan.
Ang pagbisita ni Xi ay kasunod na rin ng muling panawagan ng China para sa ceasefire sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at para sa peace talks para resolbahin ang conflict.