Pinagbabaril hanggang mapatay ang isang Chinese habang ito ay nasa loob ng restaurant sa Barangay Bel Air, Makati City.

Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nasa loob ng VIP room ng restaurant ang biktimang si Yin Jian Tao, 33 ng lapitan ito ng mga suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawn nito na sanhi ng agarang kamatayan nito.

Nasugatan din ang kasamahan nito na si Zheng Kai, 25-anyos.

Agad namang naaresto ng mga otoridad ang dalawa sa tatlong suspek na kinilalang sina Yang Chao Wen, 32 at Liang Yuan Wu kung saan nakuahan ang mga ito ng bag na naglalamang ng P345,000 na pag-aari ng biktima.

-- Advertisement --

Itinuturing ng PNP na pagnanakaw ang motibo ng insidente.