-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Tinutukan ng kutsilyo at iginapos ang isang Chinese National matapos pasukin at holdapin ng isang lalaki sa kanyang inuupahang bahay sa Francisca Village sa Baligatan, Ilagan City.

Ang biktima na si Wu. Liangsheng, isang Chinese national, 30 anyos, may asawa, isang civil engineer at transient resident ng nabanggit na brgy.

Lumabas sa pagsisiyasat ng City of Ilagan Police Station bago maganap ang naturang panghoholdap ay nasa gitna ng trabaho ang naturang biktima ng biglang pasukin ang inuupang bahay ng salarin.

Iginapos sa paa at kamay ang biktima at pinagbantaan pang papatayin ng suspek gamit ang kutsilyo bago tumakas tangay ang humigit kumulang P200,000.00 cash, wallet na naglalaman ng humigit kumulang P10,000.00 at dalawang cellphone.

Sa isinagawang follow up investigation ng pulisya nakilala ng biktima ang inarestong suspek na si Rolly Pineda, 30 anyos, may asawa at residente ng Cabannungan 2nd, Lunsod ng Ilagan

Sa panayam ng Bombo Radyo sa biktimang si Wu Liangsheng Natunton ng mga otoridad ang kinaroroonan ng pinaghihinalaan sa pamamagitan ng GPS tracker sa cellphone ng biktima

Nakuha sa tool box ng motorsiklo ng suspek ang mga pera at dalawang cellphone na tinangay nito mula sa biktima maging ang kutsilyo na ginamit sa pananakot.

Nagawa ding marekober ng mga awtoridad ang dalawang papel na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Samantala, sa pagsasalaysay ng ssuspek na si Rolly Pineda, kasabwat umano niya ang driver at kasambahay ng biktima

Inihahanda na ng City of Ilagan ang mga kasong robbery at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.