Inirekomenda na ni Manila Mayor Isko Moreno sa Bureau of Immigration (BI) na ideklarang undesirable alien ang Chinese na nanagasa ng mga sasakyan at nandura pa ng pulis sa nitong nakalipas na araw.

Nakilala ang suspek na si Zhou Zi Yi, 50-anyos.

Ayon sa alkalde, napakaraming paglabag ng dayuhan sa batas, kaya dapat na hindi na ito payagang makapanatili sa ating bansa.

Nabatid na walang lisensya ang Chinese ngunit nagmamaneho ng SUV, pero nang halughugin ang sasakyan ay nakitaan pa ito ng mga gamit sa pag-take ng droga.