Na-rescue ng mga operatiba ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) ang isang Chinese national na pwersahang dinukot ng kapwa Chinese, sa Clark Free Port Zone, Clark Pampanga kagabi, July 16, 2020 bandang alas-10:20 ng gabi.
Ayon kay Col. Villaflor Bannawagan, chief ng PNP AKG Luzon Field Unit na ikinasa nila ang operasyon batay sa reklamo na inihain ng isang Einna Alyssa Estrella live-in partner ng dinukot na Chinese na nakilalang si Xie Zhiqiang.
Humihingi raw ng P140,000.00 ang mga kidnappers kapalit ng kalayaan ng biktima.
Sinabi ni Bannawagan na nuong July 13,2020 nag-apply sa isang kompaniya bilang POGO worker ang biktima pero bigla na lamang dinampot ang biktima ng hindi nakilalang mga lalaking Chinese at dinala sa isang lugar sa Pampanga para sa isang trabaho.
kapalit ng kalayaan ng biktima at kapag hindi daw sila nakabayad ay ibebenta ang biktima sa ibang kompaniya.
Dahil sa nasabing impormasyon agad na sinalakay ng mga pulis ang lugar at narescue ang biktima.
Walang suspek ang nahuli sa isinagawang operasyon ng PNP-AKG.
Kasalukuyang nananatili sa headquarters ng PNP-AKG sa Kampo Crame ang na-rescue na Chinese.