-- Advertisements --

Bumisita sa White House si President Luiz Inácio Lula da Silva ng Brazil.

Magsasagawa ito ng pagpupulong kasama si US President Donald Trump.

Ilan sa maaaring talakayin nila ay ang taripa sa mga produkto ng Brazil at ilang mga usaping pang-ekonomiya.

Magugunitang nagkaroon na ng lamat ang samahan ng dalawa dahil sa pagpataw ni Trump ng 50 percent na taripa sa mga produkto ng Brazil.

Huling nagkita ang dalawang lider ay noong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit noong buwan pa ng Oktubre.