-- Advertisements --
Nasa bansa na si Chinese Foreign Minister Qin Gang para makipagpulong ngayong araw kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dakong alas-10 nitong gabi ng Biyernes ng dumating sa bansa ang opisyal.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na isa sa mga tatalakayin ng dalawa ay ang pagpapalakas ng kooperasyon sa agrikultura, kalakalan, enerhiya at imprastraktura.
Sinabi naman ni Chinese foreign ministry spokesman Wang Wenbin na layon ni Qin sa pagbisita nito sa bansa ay para mapaganda ang mutual trust ng bawat isa.