-- Advertisements --

Gumagawa lamang daw ng kwento si US Secretary of State Mike Pompeo upang siraan ang magandang pakikisama ng China sa ibang bansa.

Sinabi ito ni China’s Foreign Ministry Zhao Lijian matapos ang naging komento ni Pompeo laban sa Beijing sa di-umano’y pagtatago ng bansa tungkol sa coronavirus disease.

“For some time Pompeo kept making up all sorts of fake news to attack and smear China and try to poison relations between China and other countries,” saad ni Lijian.

Nagpatutsada rin kasi si Pompeo sa kredibilidad ng Commuinist Party ng China dahil bigo umano ang bansa na ipaalam sa buong mundo ang katotohanan tungkol sa virus.

Ayon kay Zhao, ipinaalam nila sa World Health Organization ang lahat ng impormasyon na kailangang malaman ng international body tungkol sa deadly virus bago pa man lumala ang sitwasyon.

Hinikayat din nito si Pompeo na bawiin ang kaniyang sinabi at tigilan ang pagpapakalat ng “political viruses” upang hindi siya pagtawanan ng international community.