-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat mismo ng China Center for Disease Control and Prevention ang pribado at state run companies na nagma-manufacture ng Chinese made vaccines na taasan pa ang efficacy rate upang matapatan ang dala na tapang ng COVID-19 pagdumapo sa katawan ng tao.

Ito umano ang inihayag ni Chinese virologist and immunologist George Fu Gao na director ng CDC China kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng mga bakuna na pagmay-ari ng kompanyang Sinovac at Sinopharm na ginagamit na sa maraming bansa sa buong mundo.

Iniulat ni New York City based Bombo Radyo International News Correspondent Dolly Ilogon ng Cagayan de Oro City na inihayag ni Gao kailangang dagdagan pa umano ng kompanyang Sinovac at Sinopharm ang efficacy rate na hawak ng kanilang mga bakuna upang mas lalo itong makakatulong magsalba sa buhay ng mga pasyente na tatamaan ng bayrus.

Sinabi ni Ilogon na hindi umano kumbinsido si Gao na nasa 50.4 percent at 83.5 percent sa magkaibang clinical trials ang Sinovac at maging ang Sinopharm na nag-rehistro lamang ng 79.4 percent at 72.5 porsyento ang hawak na effectivity ng kanilang mga bakuna.

Inamin rin umano ng opisyal na hindi nailathala sa medical journals ang isinagawa na comprehensive clinical trials ng dalawang kompanya kaugnay sa pagsilbing epektibo ng kanilang mga bakuna.

Magugunitang ang Pilipinas ang isa sa mga mahigit-kumulang 60 na bansa na nakatanggap at gumagamit ng Sinovac vaccines nang malubha na tinamaan ng bayrus na sobrang higit taon na patuloy nilalabanan ng gobyerno at medical frontliner sector.