Tinaboy muli ng China ang mga tauhan ng Pilipinas na naglalayag sa Bajo de Masinloc shoal na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa isang statement ay dumipensa ang China na nagsagawa lamang ng kaukulang measures ang kanilang coast guard sa pagpapaalis sa barko ng Philippine Navy sa lugar.
Ito anila ay sa kadahilanang nanghimasok nanaman umano ang Philippine Navy sa teritoryong nasasakupan ng kanilang bansa.
Giit ni China coast guard spokesman Gan Yu, ang ginawa raw ng Pilipinas ay mariing paglabag sa international law at sa territorial sovereignty ng kanilang bansa.
Kung maaalala, hindi ito ang unang pagkakataon na tinaboy ng China coast guard ang mga barko ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea.
Matatandaan din na una nang sinabi ng Philippine Coast Guard na pumasok sa lagoon ng Bajo de Masinloc shoal matapos nitong tanggalin ang floating barrier na inilagay ng China sa nasabing lugar upang harangan ang mga Pilipinong mangingisda na makapasok dun doon.