Naungusan na ng China ang Japan sa pagiging world’s biggest car exporters.
Umabot na kasi sa 1.07 milyon na mga sasakyan ang nai-export ng China sa unang tatlong buwan ng 2023.
Ito ay mas mataas ng 58 percent sa unang quarter ng 2022.
Habang ang Japan ay mayroong 954,185 ang nai-export sa unang tatlong buwan ng 2023 na ito ay mas mataas ng 6 percent sa parehas na buwan ng 2022.
Tumaas kasi ang demand ng electric cars sa China kung saan nanguna na kumaha sa kanila ang bansang Russia.
Noong nakaraang taon kasi ay nahigitan ng China ang Germany sa pangalawang pinakamalaking car exporter sa buong mundo.
Ayon sa General Administraton of Customs ng China na noong nakaraang 2022 ay aabot sa 3.2 milyon na mga sasakyan ang nai-export ng China kumpara sa Germany na mayroon lamang 2.6 milyon.
Isa sa dahilan ay ang paglayo ng maraming bansa ng paggamit ng fossil fuels na nakatulong sa motor industry ng China.