-- Advertisements --

Nagtayo ang China ng quarantine center na paglalagyan ng mga bumibisita sa kanilang bansa.

Nagkakahalaga ito ng $260 milyon na mayroong 5,000 room quarantine facility para sa mga turistang bumibisita sa kanilang bansa.

Matatagpuan ito sa Guangzhou na kanilang bubuksan sa mga darating na araw.

Itinayo ang nasabing quarantine facility sa loob ng halos tatlong buwan at ito ay may laki na katumbas ng 46 football fields.

Kapag nabuksan na ay dito na patutuluyin ang mga turista imbes na sa dating mga hotel bilang quarantine facilities.