-- Advertisements --

Niluwagan ng China ang ilang COVID-19 restrictions kahit na patuloy ang pagtaas ng kaso.

Ayon sa gobyerno ng China na mga close contacts ay mananatili na lamang sa facility ng limang araw at tatlong araw lamang sa kanilang bahay mula sa dating isang linggo.

Ang nasabing pagluluwag ay kasunod ng ginawang pagpupulong ni Chinese President Xi Jinping sa kanilang mga health offiicials.

Ayon sa National Health Commission (NHC) ng China na kanilang papaigtingin ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19.

Magugunitang maraming mga lugar sa China ang ipinatupad na lockdown dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.