Nagpadala ang China ng record high na 18 nuclear-capable bombers sa air defense zone ng Taiwan.
Ilang araw lamang matapos ang panibagong pag-ban o pagbabawal ng China sa importasyon ng pagkain, beverages alcohol at fishery products mula sa Taiwan na nagbunsod kay Premier Su tseng-chnag na akusahan ang beijing sa paglabag sa international trade rules at disriminasyon laban sa isla.
Ayon sa defense ministry ng taiwan na nasa 21 aircraft ng China ang pumasok sa southwest air defense identification zone (ADIZ) ng taiwan sa nakalipas na 24 oras kabilang ang 18 nuclear-capable H-6 bombers.
Ito ang itinuturing na pinakamalaking bilang ng H-6 bombers na pumasok sa air defense zon eng taiwan simula ng unang mapaulat ang incursion o panghihimasok ng China noong Setyembre 2020.
Ang H-6 ay ang pangunahing long distance bomber.