-- Advertisements --
Magpapadala ang China ng kaniyang mga sundalo sa Russia para lumahok sa “East-2022: drills o kilala bilang “Vostok-2022”.
Ayon sa Chinese Ministry of Defense na ang hakbang ay para mapalawig ang kooperasyon ng dalawang bansa at ibang mga bansang kalahok.
Ilan sa mga bansa na lalahok ay kinabibilangan ng India, Belarus, Mongolia, Tajikistan at iba pa.
Magaganap ang military drills sa huling linggo ng Agosto.
Magugunitang noong Pebrero bago lusubin ng Russia ang Ukraine ay inanunsiyo ng China walang limitasyon at malalim ang relasyon ng dalawang bansa.
Una ng nag-alok rin si Russian President Vladimir Putin na handa nilang isailalim sa pagsasanay ang mga sundalo ng ibang bansa.