-- Advertisements --

Binasura ng Russia ang hirit ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na dapat palawigin nila ng isang buwan ang unang ipapatupad na tatlong araw na ceasefire.

Sinabi Kremlin spokesman Dmitry Peskov na mahirap na pumasok ng 30 araw na ceasefire hanggang maraming mga katanungan ang dapat sagutin.

Una rito ay sinabi ni Zelensky na isang manipulation ni Russian President Vladimir Putin ang tatlong araw na ceasefire mula Mayo 8 hanggang Mayo 10.

Ang nasabing ceasefire kasi ay isinabay sa 80th anibersaryo ng pagkawagi nig Russia sa Nazi Germany noong World War II.

Magugunitang nawawalan na ng gana ang US sa tagal na pagkakaroon ng ceasefire sa pagitan ng dalawang bansa.