Nagbanta ang China sa US ng seryosong consequences sakaling matuloy ang plaong pagbisita ni US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan na itinuturing ng China na kanilang teritoryo.
Ayon kay Colonel Tan Kefei, spokesman ng Chinese ministry of defense, na posibleng magkaroon ng military response ang Beijing kapag matuloy ito,
Aniya, hindi magsasawalang kibo ang militar ng China at kikilos sila para mapigilan ang anumang external interference at separatist attempts para sa kasarinlan ng Taiwan.
Samanatala, ayon sa US state department, wala pang inaanunsiyo si pelosi ng planong pagbisita sa Tiawan subalit nanindigan ito sa approach ng Estados Unidos sa Taiwan.
Una rito, ang orihinal na plano ni Pelosi ay bisitahin ang Taiwan noong Abril subalit hindi ito natuloy matapos itong magpositibo sa covid-19.