-- Advertisements --

Binalaan ng China ang US na gagawa sila ng hakbang matapos na aprubahan ni President Joe Biden ang $1.1 bilyon na arms sale sa Taiwan.

Ayon kay Chinese embassy spokesman Liu Pengyu na noon pa man ay kanilang kinokontra ang pagbenta ng mga armas ng US sa Taiwan.

Isa umano itong paglabag sa relasyon ng US at China ganon din ang pagkasira ng katahimikan sa Taiwan Strait.

Inakusahan din nito ang US ng pakikialam sa internal affairs ng China at Taiwan.

Ipinaliwanag ng US State Department na ang arms sales ay matagal na umanong polisiya ng US na magbigay ng mga defensive weapons sa mga isla na tinatawag nilang “swift provision” na ang nasabing mga armas aniya ay mahalaga sa pagtatanggol ng Taiwan sa kanilang isla.

Magugunitang pormal ng ipinaalam ni Biden sa US Congress ang arms sales na kinabibilangan ng 60 anti-ship missiles at 100-air-to-air missiles.