-- Advertisements --

Nagbabala ang China sa Estados Unidos, Japan at Pilipinas laban sa umano’y “paglalaro ng apoy” kasunod ng pagsisimula ng taunang joint military exercises ng tatlong bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Guo Jiakun na ang pagbubuklod ng mga bansa sa ngalan ng seguridad ay maaaring magdulot sa kanila mismo ng negatibong epekto.

Samantala, kasabay ng opisyal na pagbubukas ng ika-41 edisyon ng Balikatan exercises kahapon, binigyang-diin ni AFP General Romeo Brawner Jr. ang kahalagahan ng aktibidad sa pagpapalakas ng kolektibong depensa at katatagan sa rehiyon.

Ayon AFP Chief, ang Balikatan ay sumasalamin sa kahandaan, aktibong kooperasyon, at pagpapanatili ng kapayapaan sa pamamagitan ng lakas, pati na rin ang paninindigan ng mga kaalyado na magtulungan at kumilos nang sama-sama.

Ang Balikatan ngayong taon ay kasabay rin ng ika-75 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos, na lalong nagpapatibay sa matibay na alyansa at adhikain ng dalawang bansa para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.