-- Advertisements --
WPP WestPhilippineSea AFP

Binalaan ng China ang Pilipinas at US na ang kanilang kooperasyong militar ay hindi dapat makapinsala sa interes nito, kabilang ang mga nasa West Ph Sea.

Ang babala ay naganap habang pinalalakas ng Manila at Washington ang mga pagsisikap na protektahan ang soberanya ng Pilipinas laban sa mga pag-aangkin ng Beijing sa pinagtatalunang karagatan.

Sinabi ni Wang Wenbin, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, na ang pagpapalitan at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga nauugnay na bansa ay hindi dapat mag-target sa anumang ikatlong partido at dapat na nakakatulong sa rehiyon, kapayapaan at katatagan.

Aniya, ang kooperasyong militar ng Pilipinas at US ay hindi dapat makialam sa mga alitan sa West Ph Sea.

Ito’y kasunod ng pagpapalawak ng dalawang bansa sa kanilang alyansang militar bilang tugon sa patuloy na agresibo at incursive na aktibidad ng China sa West Philippine Sea na isang kinikilalang internasyonal na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Ang mga pagtatalo sa nasabing karagatan ay nananatiling nagpapatuloy, bagama’t sa konteksto ng West Philippine Sea, isang 2016 Arbitral Award ang nagpasya na ito ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na ang alyansa ng dalawang bansa ay isang instrumento lamang ng kapayapaan.