Muling nagpalabas ng mariing banta ang China sa Taiwan na handa itong gumamit ng puwersa kung kinakailangan.
Ginawa ng China ang babala matapos ang kontrobersiyal na malawakang war games sa paligid ng teritoryo ng Taiwan.
Giit ng China wala umano silang zero tolerance sa mga “separatist activities” o gawaing maging maging independent ang Taipei.
Sa pambihirang pagkakataong naglabas ngayon ang China Taiwan Affairs Office ng tinaguriang white paper upang ilatag ang kanilang mga plano sa muling pagkuha sa isla sa pamamagitan ng mga economic incentives at military pressures.
Sa kabila nito, lalawakan naman daw ng China ang hakbang para maidaan pa rin sa mapayapa ang reunification nila.
Gayunman sa ngayon aniya hindi nila isinasantabi ang paggamit ng puwersa kung kinakailangan.
Sinasabing huling naglabas ng white appear ang China laban sa Taiwan ay mahigit isang dekada na ang nakakalipas o noon pang taong 2000.
Sa kabila ng mariing pagbabanta ng China, nangangako naman daw ito ng mas mas ibayo pang pag-unlad ng Taiwan, kasama na ang “seguridad at dignidad” kung matapos na ang reunification.