Muling iginiit ng China foreign ministry ang umano’y kanilang soberaniya sa Scarborough shoal sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos na mamataan sa satellite images ang panibagong floating barriers na inilgay ng China sa may entrance ng naturang karagatan.
Sa isa sa mga images na nakuhanan ng Maxar Technologies noong Pebrero 22, makikita ang naturang floating barriers na nakaharang sa bunganga ng Scarborough shoal kung saan sinabi ng Chinese Coast Guard noong nakalipas na linggo na itinaboy umano nila ang barko ng Pilipinas na iligal umanong pumasok sa kanilang inaangking karagatan.
Subalit sa panig ng Pilipinas, idineploy ang isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para magpatrolya sa naturang shoal at magdala ng langis para sa mga Pilipinong manginisda na nasa lugar
Tinawag din ng PCG ang alegasyon ng China na inaccurate at iginiit na lehitimo ang mga aktibidad ng bansa sa lugar dahil nasa loob ito ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng ating bansa.