Lantarang inilabas ng China ang pagkakaroon ng kanilang maritime militia na kanilang inilagay sa malaking bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa Radio Free Asia (RFA) na naglabas pa ng isang music video na gawa ng Sansha Garrison na tinawag na “Song of the Sansha Maritime Militia” ang China.
Itinayo ang Sansha City noong 2012 para mamamahala sa mga inagaw na teritoryo ng China sa West Philippine Sea.
Unang na-upload ang nasabing music video noong Abril 13, 2020 sa Chinese video sharing website na Bilibili.
Lumabas pa sa pagsisiyasat ng RFA na ang video ay nagpapakita ng pagsasanay ng mga maritime militia na armado ng mga baril, surveillance tactics, boarding operations at ibang kahalintulad na aktibidad.
Makikita rin sa music video ang ilang Chinese militia vessels na tinawag na “Qiongsanshayu”.
Base ssa Automatic Identification System (AIS) dat at satellite imaginary na ang nasabing mga barko ay ipinakalat sa West Philippine Sea noong 2020 kasama na ang Panatag o Scarborough Shoal na inagaw ng China sa Pilipinas noong 2012.
Iniulat din ng RFA na ang mga steel-hulled vessels na “Qiongsanshayu” ay bahagi ng Sansha City Fisheries Development na isang civilian front para sa paramilitary force.
Nagpapanggap aniya na simpleng mga barkong pangisda ang mga ito subalit ito ay kinokontrol ng mga Chinese military.
Magugunitang makailang sinabi ng China ang mga barkong nakita sa malaking bahagi ng West Philippine Sea ay simpleng barkong pangisda at hindi bahagi ng mga militia.