-- Advertisements --

Kinondina ng China ang ginawang pagdaan sa Taiwan Strait ng USS Benfold.

Patuloy pa rin na inaangkin kasi ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.

Dagdag pa ng China na ang ginawa ng US ay tila naghahamon sa kanila.

Dumepensa naman ang US Seventh Fleet at sinabing isang routine monitoring lamang ang ginawa nila sa nasabing karagatan.

Hindi aniya sila dumaan sa anumang karagatan ng isang bansa.

Dahil sa pagkabigla ay nagpakalat ang Eastern Theater Command ng China ng mga barko nila para bantayan ang proseso.