Inalis na ng China ang mga kinakailangan sa quarantine para sa mga papasok na biyahero na nagtatapos sa halos tatlong taon ng self-imposed isolation kahit na ang bansa ay kasalukuyang nakikipaglaban sa pagtaas ng mga kaso ng Covid19.
Ang Beijing noong nakaraang buwan ay nagsimula ng isang pagbuwag sa isang hardline virus na diskarte na nagpatupad ng mga mandatoryong quarantine at mga pag-lockdown.
Ang patakaran sa pagpigil ng pagkalat ng nasabing virus ay nagpapahina sa ekonomiya ng China at nagdulot ng mga protesta sa buong bansa.
Sa pag-alis ng mga naturang panuntunan, ang mga papasok na manlalakbay sa China ay hindi na kailangang mag-quarantine.
Kung matatandaan, mula noong Marso 2020, ang lahat ng mga manlalakbay ay pinilit na sumailalim sa isolation sa mga government facilities.
Ngunit ang inaasahang pagdami ng mga bisita ay nagbunsod sa mahigit isang dosenang bansa na magpataw ng mandatory Covid19 test sa mga manlalakbay mula sa pinakamataong bansa sa mundo habang nilalabanan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.
Una rito, inaasahang lalala ang paglobo ng Covid19 sa pagpasok ng Chinese holiday sa Lunar New Year ngayong buwan, kung saan milyon-milyon ang inaasahang maglalakbay mula sa mga malalaking lungsod sa China.