-- Advertisements --

Handang tulungan ng China ang Pilipinas para tukuyin ang mga hackers na nagtangkang pumasok sa ilang websites ng gobyerno.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy, na nakipag-ugnayan na ang China sa gobyerno ng bansa ukol sa nasabing usapin.

Giit naman ni Uy na bukas silang makatrabaho ang sinuman para matukoy ang mga nasa likod ng hacking.

Magugunitang natukoy ng DICT na ang mga nagtangkang mang-hack sa mga websites ng bansa ay galing sa Chinese state-owned telecommunications company na China Unicom.