-- Advertisements --
Trump Xi G20 2019
Trump and Xi

Nagbabala si Chinese President Xi Jinping sa pakikipag-ayos nito ng trade deal sa US.

Ayon sa Chinese President na handa ito ng ayusin ang trade deal nila sa US.

Subalit ito sila takot na lumaban at ipatupad ang kanilang economic reforms kung kinakailangan.

Ang nasabing pahayag ng Chinese President ay ilang araw kasunod ng pahayag ni Trump na nawawalan na ito ng gana dahil walang ginagawang hakbang ang China para maayos ang trade deal ng dalawang bansa.

Magugunitang nagkaroon ng hindi magandang ugnayan ang dalawang bansa sa kalakalan kung saan nagbunsod pa sa mga ito sa pagpapataw ng mga taripa sa ng kanilang mga produkto.