-- Advertisements --

Binatikos ng China ang naging pahayag ni US President Joe Biden na tinawag na diktador ang kanilang pangulo na si Xi Jinping.

Sinaib ni Foreign ministry spokesperson Mao Ning na isang iresponsable at walang kuwenta ang naging paratang ni Biden sa kanilang pangulo.

Ang nasabing pahayag aniya ay sumisira sa political dignity ng China at lumalabag sa diplomatic protocol.

Ipinapakita aniya ng US President na hindi ito seryoso na magkaroon ng magandang relasyon sa China at magdudulot ng hindi magandang resulta kapag nagkita ang dalawang opisyal.