-- Advertisements --
Tinukoy ng Canada ang mga bansang China, Russia, Iran at North Korea bilang major cyber crime threats.
Ayon sa Communications Security Establishment (CSE) na ang kanilang state-sponsored program ng nasabing mga bansa ay isang sopistikadong banta.
Mula pa noon ay hindi na naging maganda ang relasyon ng Canada at China habang matinding kritiko naman ng Russia ang Ottawa.
Mariing itinanggi naman ng Russia at China ang alegasyon na mayroong na sila ay cyberthreats sa ibang mga bansa.