BEIJING – Binigyang-diin ni Chinese President Xi Jinping na walang anumang pwersa ang makakapigil sa pag-usad pasulong ng China.

Ginawa ni Xi ang pahayag sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng China mula ng itatag ito ni Mao Zedong noong 1949.

Sinabi ni Xi na patuloy nilang ibibigay ang pangangailangan ng mga Chinese para magkaroon ng magandang pangkabuhayan.

Ayon pa kay Xi, mananatili ang “One County, Two Systems Policy” sa Hong Kong at Macau kasabay na katiyakan sa pangangalaga ng katatagan at kaunlad ng dalawang administrative region.

Ipinaabot naman ni Xi ang kanyang pagbati sa lahat ng mga nagmamahal ng China sa buong mundo.

Matapos nito, inikot ni Xi ang malaking military parade sa Beijing na kinabibilangan ng mga tangke, missiles, tropa at mga pinakabagong gamit panggiyera gaya ng hypersonic drone.