-- Advertisements --
Nakalikom ng $2.1 milyon si Joaquin Niemann ang golf player mula sa Chile para sa pagpapagamot ng kaniyang pinsan.
Ibinunyag ng 22-anyos na si Niemann na ang kaniyang pinsan na isinilang noong Oktubre ay mayroong Spinal Muscular Atrophy (SMA) na sakit.
Ang nasabing sakit ay maaring namana kung saan nagkakaroon ng pagkapatay ng nerve cells na responsable sa paggalaw ng muscle.
Mula ng ianunsiyo ni Niemann na kailangan niya na makalikom ng ganoong halaga ay hindi ito nabigo at tinulungan ito ng mga kasamahan sa golf.
Si Neimann ay nasa pang-28 na ranking ng PGA.