Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang legasiya ng namayapang dating kalihim ng DMW na si Toots Ople.
Itinuturing si Ople na isang pambihirang lingkod-bayan na hindi kailanman umaalis sa serbisyo dahil patuloy na pinoprotektahan ng kanilang legasiya ang mga Pilipino kahit ito ay pumanaw na.
Sa isang seremonya sa palasyo kanina ginawaran ng Posthumous Conferment of the Order of Lakandula na may ranggong Grand Cross si Ople.
Ayon sa Pangulo, si “Toots” Ople ang nagsimula ng maraming programang na hanggang sa ngayon ay patuloy na ipinatutupad ng ahensiya.
Aniya, naging matagumpay ang mga ito dahil sa talino at malinaw na paniniwala ni Ople sa kanyang misyon sa buhay—ang maglingkod.
Dagdag pa niya, ang motibasyon ni Ople sa pagtulong sa mga OFW ay hindi lang para sa ekonomiya kundi dahil Pilipino sila at walang Pilipinong dapat mapag-iwanan, makalimutan, o balewalain.
Kahit wala na siya sa gobyerno, patuloy pa rin ang ginampanang papel ni Ople sa pagtulong sa mga Pilipino sa ibang bansa. Dahil sa mga ugnayang binuo niya, may nalalapitan ang gobyerno sa mga bansang tulad ng Yemen at Saudi Arabia.
Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pagsisisi na hindi niya naibigay ang parangal kay Ople noong siya ay buhay pa, at sinabing isa siya sa pinakamabubuting taong nakilala niya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Ople nasa 42 bilateral agreements ang naisakatuparan upang matiyak ang proteksyon at respeto sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
Pinamunuan umano ni Ople ang ahensya nang may malasakit, husay, at matibay na prinsipyo.
Kahit may karamdaman, nagpatuloy si Ople sa pagtatrabaho hanggang sa huling araw ng kanyang buhay.
Ang paggawad ng parangal ay ginanap sa Rizal Day.
Ayon kay Marcos, tulad ni Rizal, naniniwala si Ople na ang pagmamahal sa bayan ay ipinapakita sa










