-- Advertisements --

Panibagong trending o usap-usapan ang children’s book na patungkol naman sa ari ng babae.

Ito ay pinamagatan na, “Ako ay May Kiki” na kuwento at isinulat para sa mga batang babae na hangaring magabayan habang lumalaki.

Iginuhit ni Beth Parrocha at isinulat ni Glenda Oris, hindi anila ito sa pagdidikta kung ano ang magiging sila, kundi sa pagpapaalam kung ano ang mayroon sila kabilang ang mga bahagi ng kanilang katawan na dapat alagaan, pahalagahan at ingatan.

Ako ay may Kiki thots
(C) Lampara Books’ Facebook page

Kung maaalala, unang inilabas ng Lampara ang “Ako ay May Titi.”

Hindi raw nagdalawang-isip si Segundo Matias na ito ay tanggapin at agad i-produce ang libro kahit tila kontobersyal ang title na layuning makatulong lalo sa mga magulang na hirap sagutin ang mga anak na lalaki sa tuwing ituturo ang ari at magtatanong kung para saan ito.

Kapwa mensahe ng “Ako ay May Titi” at “Ako ay May Kiki” na pahalagahan ang sariling pangangatawan laban sa anumang uri ng child sexual abuse.