Nakapili na rin si presumptive Vice President Kamala Harris ng kaniyang magiging chief of staff sa oras na pormal na itong manumpa sa pagiging bise-presidente ng Estados Unidos sa Enero 20, 2020.
Si Tina Flournoy, na nagsisilbi bilang chief of staff ni dating US President Bill Clinton, ang napusuan ni Harris na kaniyang maging chief of staff.
Sasamahan ni Flournoy sina Symone Sanders, senior adviser ng Biden campaign, na siya namang napili bilang senior advisr at chief spokesperson ni Harris; at si Ahsley Etinnete, na magsisilbi naman communications director nito.
Bago manilbihan si Flournoy sa ilalim ng Clinton administration, nagsimula ito bilang assistant to the president for public policy sa American Federation of Teachers. Isa itong union na kumakatawan sa 1.7 milyong myembro ng naturang samahan.
Nagkaroon na rin ito ng ilang papel sa Democratic Party, tulad na lamang ng pagiging senior adviser para kay Democratice National Convention Chairman Howard Dean noong 2005.
Una nang inanunsyo ni Presumptive President Joe Biden ang kaniyang all-female Whie House senior communications team bilang pagpapatunay na tapat ito sa kaniyang pangako na magkaroon ng diverse group sa loob ng White House.